The More You Hate, The More You Love..
Honestly, naniniwala ako diyan. Ilang beses ko nga naman kasing sinabi na “I hate Him” sa harap ng mga kaibigan ko, pero in the end, na inlove ako sa kanya..
hahahaha, nakakatawa kasi sa simula, naiinis ka talaga ng sobra sa kanya. Yung feeling na sana, sagasaan siya ng truck.. hehehe JK. Tapos biglang may kaibigan kang eepal at sasabihin sayo yung linya na yun. Sa simula denial kang sobra, kabaliwan nga naman pero totoo. Tapos pagna realize mo na, lahat ng ginagawa niya, kahit kababawan lang at iniinis ka, nakakakilig na..
Tapos pag ginagawa niya rin sa iba, nasasaktan ka.. TT^TT Kahit naman wala kang karapatan.. Saklap naman kasi ng feeling eh…
Tapos, i-add mo pa yung kabaliwan ng mga kaibigan mo na may gusto daw siya sa akin kaya nagpapansin.. Gumagawa lang daw ng paraan para magkaroon ng conversation.. HALA, mas ma-iinlove ka.
Kaso nga lang, aasa ka lang. Di naman tulad ng kwento dun sa link sa taas ang kwento ng lahat ng tao eh.. Siguro nga nagpapapansin lang yun, pero wala naman talagang feelings…
Kasi nga kung meron, kami sana, pero di.. Wala na ring chance, gumraduate na kasi kami. Di na rin kami magiging school mates…
Ok, umasa talaga ako.. Kasi naman, PAASA siya tapos idagdag mo pa yang imagination ng kaibigan mo tsaka na rin yung sayo..
Hahay.. Mabuti na nga lang marami akong crush sa mundo… Kundi, siguro malungkot ang buhay ko….
>nagdadrama lang ako kasi nainggit ako sa bida jan sa story sa taas..TT^TT
sige, magbabasa pa ako ng iba pang story.. XP


